8.30.2006

agosto 27, 2006. linggo.

alas kwatro y medya pa lamang ng umaga, gising na ako. hindi ko maitago ang tuwang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. sa wakas ay dumating na rin ang araw na aking pinakahihintay... oras na para makita ko si numero labimpito.

alas sais pa nga lang ng umaga lumarga na ako. takot kasi akong mahuli sa usapan namin, andun pa naman si sharyn, baka taray tarayan ako… yun pa naman eh pag sinumpong ng topak parang bulkan na magluluwa ng sangmalmal na lava. yun nga… pagdating ko naman dun sa may sakayan, wala pang katao-tao. kunsabagay, linggo kasi nun kaya malamang nananaginip pa yung mga tao nung mga oras na yun. pero syet talaga, antaaagal ko nang nag-aantay sa loob ng van ni manong, ala pa ring sumasakay. aber eh, anong petsa na noh! sa lahat ng ayoko eh yung nahuhuli ako sa usapan.

mga 45 minuto na siguro akong inuugatan dun sa loob, nang may dumating na babae. medyo maputi sya, mukhang matanda lang sakin ng tatlong taon. mahaba yung buhok, para ngang ni-rebond eh. makikita mo pa lang dun sa mukha nya, naghahabol din sya ng oras.

ayuuun, wala din kaming napala ni ate. tangna kasing mga pasahero to, kung kelan mo kelangan, dun pa hindi mahagilap. di siguro nakatiis si ate… nagtanong sya sakin. tinanong nya kung nagmamadali raw ba ako. syempre sumagot ako ng oo, totoo naman eh.

medyo naramdaman ko na nagpapanic na si ate, kaya inalok ko sya na sumabay na lang sakin papuntang cubao, tutal nga, recto kami pareho, at may sasakyan naman papuntang recto sa may munoz. desperado na yata talaga si ate, kaya ayun, sumabay nga sa kin. ang hindi nya alam, may balak akong iligaw sya pagbaba namin ng munoz… mwahahahaha!!! joke lang. ang adik ko noh?

hindi naman kami nag-antay ng matagal ni ate. isang pasahero na lang kasi yung kelangan nung dalwang mama na nagsakay samin. ang habol lang daw naman nila e, pang toll fee, kaya okay na yung tatlo.

hindi na ko masyadong kumibo, kasi kampante naman ako sa nasakyan ko. mukha namang mababait sila kuya weh, hindi naman mukhang mga rapists. aba, kung ganun nga sila, aba eh nagkamali sila ng bibiktimahin. di kami talo. tsaka yakiiiii… magpaparape ba naman ako sa mga hitsurang yun? di bale sana kung kamukha nila manong si johnny depp my labs at si takeshi kaneshiro noh! ako na mismo ang magvovolunteer na ialay ang puri ko.

sa awa ng diyos, maluwalhati naman yung nagging byahe namin. walang kahit na anong aberya ang sumalubong samin. ang maganda pa nun, pinasalamatan pa ako ni ate nung bago kami maghiwalay ng daan. may pa-ingat-ingat pa nga kaming nalalaan eh! san ka naman dun, super duper close na talaga kami ni ate.

although dahil dun sa dobleng pagsakay na ginawa ko, eh na late ako sa usapan namin nila sharyn, okay na rin ako. kasi una, napasaya ni ate ang araw ko sa simpleng pagtanaw nya ng utang na loob tsaka pangalawa, di naman ako iniwan nila sharyn sa may usapan namin. hmn, talaga ngang promising ang araw na yon.

fast forward na tayo sa feu gym ha? bale kasama ko na nun sila sharyn, sarrah, pia at clara. required kasi kaming manuod ng basketball games para sa p.e. namin kaya andun kami. actually, masaya naman yung laro, kasi ang galing na kalaban ng ue. pero syempre, mas pinaboran ng dyos ang mga kababaihang galing sa royal pontifical catholic university of the philippines. magaling ata kaming magdasal anoh!

alas nuebe y medya na nung natapos yung laban. sobrang gutom na rin kami kaya nagdesisyun na kaming kumain ng brunch. hayun, gora na kami sa kfc.

lamonlamonlamonlamonlamon. mga isang oras din kaming lumafang ng mga groupmates ko. syempre, may konting chikahan na rin on the side. halos lahat nga ata kami atat ng manuod ng laban ng ust nang alas kwatro ng hapon. pero for the meantime, napagkasunduan naming gumala muna sa may sm san lazaro. haler naman kasi, mag-ieleven pa lang nun, kaya apat na oras pa yung kelangan naming gugulin.

masaya ang pagmamalling namin… lakad dun… lakad dito… hanggang mag-aya si sarrah sa may quantum. hala, sige, punta naman kami. kung ano ang una naming ginawa, hindi ko sasabihin. sworn to secrecy kasi kami eh. mahirap nang bumali sa pangako. hehe. pero eto ang sasabihin ko ha, naglaro din kami sa quantum. (well duh, k-ann, kaya nga tinawag na gaming area yun eh! stupid ho.) at take note pipol, sayang-saya kami ha. sulit na sulit ang mga binili naming token.

pagkatapos nun, baba naman kaming food court. mag aalas dos na yata nun eh, kung di ako nagkakamali. medyo gutom kami kaya kinain na namin yung biniling cotton candy at eaji nila pia. yumyum. mas masarap talaga pag libre.

dizzizzit. alas dos kwarenta’y singko na kami nakaalis ng san lazaro. hala sige, sakay kami ng jeep kaagad, pano imi-meet pa namin yung isang kagroupmate namin, si anne, sa may uste.

ayos. pagdating namin sa may tapat ng engineering building, nakasalubong na namin si anne. swerte, kasi sobrang malelate na kami sa laro. ako pa naman ayokong malate dahil kelanagang masilayan ko kaagad ang hilatsa ng magandang mukha ni christopher john alandy-dy tiu, future hubby ko. harharharhar!!!

tangna. di naman namin akalain na halos isang oras pala ang biyahe mula quiapo hanggang pasig. syet. buti na lang hindi kami naligaw, at buti na lang talaga, pagdating namin, nagpapraktis pa lang sa hoops sila chris.

fine. sabihin nyo nang may pagkatraydor akong thomasian. I dunt kerr. ibang usapan na to pag may chris tiu nang involved.

para mas lalo pa kayong maburo sa pagbabasa nitong entri ko, bibigyan ko kayo ng history namin ni chris. third year high school pa lang ako nung makita ko sya sa isang magazine. tinuro lang sya sakin ng friend ko na si nico, na isang true blue blue eagles fanatic. gaya ko si nico, ipaglalaban talaga nya ng patayan ang admu.

pagbasa ko pa lang dun sa maliit na article na about him, baaahhh, na-impress na kagad ako. syempre naman, iilan lang ang jocks sa ibabaw ng mundo na may utak. at kabilang sya dun. and recently ko lang nalaman, dean’s lister pala sya sa ateneo. what the. poging star athlete na, matalino pa. syet. san ka pa?

kung all of a sudden, biglang nag-decide si lord na gunawin ang mundo, papayag ako. basta ba igagrant nya ko ng isang wish, aba eh tatanggapin ko. mayakap ko lang talaga si chris, okay na ko. kahit ma-tsugi ako bukas okay lang talaga.

okay. balik tayo sa laro sa may ultra. ateneo versus ust. ang tingin ko talaga nun llamado ang admu. at hindi lang yun dahil sa may bias ako sa admu ha. undefeated pa rin kasi ang blue eagles ngayong season eh. tapos wala pa nung laro na yun yung 3 star players ng ust, kaya kala ko talaga katapusan na ng growling tigers. malay ko ba namang magsisilbi pala kaming lucky charm?

umaatikabo talaga ang labanan ng mga tiga-katipunan at ng mga tiga-espana. mas nakadagdag pa nga sa pressure ng laro yung overwhelming na support ng mga ateneans. grabe, halos mapuno nila yung ultra sa dami nila. samantalang kaming mga tiga-ust, one fourth lang ata ang nasakop. eto, eto na mismo ang problema natin pagdating sa mga competition. kulang ang ust sa school spirit. pumupunta lang tayo sa mga laro-laro kapag alam nating mananalo tayo. tingnan nyo na lang pag uaap cheerdancing competition. puro dilaw ang makikita nyo sa araneta.

ansama natin no? pero anyway, balik uli tayo sa laro. by now alam kong alam nyo na natalo ng ust ang ateneo. o diba? ang nagagawa nga naman ng dasal. pero wow pare, iba talaga pag nandun ka live. sobrang saya. hindi nga ako makapagpigil na mag cheer para kay chris eh, kahit na medyo alam ko na any second may tiga-usteng pwedeng magtulak sakin pababa sa aking kamatayan, dahil na rin sa pagtataksil ko. pero too bad, buhay pa rin ako. nyaha.

sobraang galing talaga ni chris. bawat 3 point attempt nya ata e pumapasok. siguro ot of 10 attempts dalawa lang ang namiss nya… I sooo love you talaga chris! marry me!

fiiine. alam kong namamaga na ang mata nyo sa tagal ng pagkakatitig nyo sa screen (yun eh kung pinagtiyagaan nyo talagang tapusin tong post ko). pero sa mga nagtiyagang magbasa (at take note: yung hindi nandaya ha) may ibabahagi akong mahalagang mensahe sa inyo.

maraming salamat. yun lang, kala nyo naman magdadrama ako?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home