eto ang pinaka-una kong purong tagalog na entri kaya siguro ay nararapat lamang na maganda ang aking buena mano.
noon lamang nakaraang biyernes ay naiskedyul kaming mag-sulit para sa lts. sa katunayan, maganda ang simula ng araw para sa akin... maaliwalas ang pag-gising ko, masarap ang almusal, at preskong-presko matapos maligo. ala- siyete pa lamang ng umaga ay kinakaladkad ko na ang kinakalyo kong mga paa sa koridor ng AB. syempre, kailangan ko pang kulabain sa kahihintay dahil alas-otso pa ang aming eksamin. (pero syempre, may inilaan pa rin akong pataan dahil lagi namang nahuhuli ang mga pilipino.) hindi ko lubos akalain na mauubos pala ang baon kong pasensya dahil sa mga susunod na pangyayari.
dumating ang takdang oras. nang mga sandaling yon ay kalmado pa ako. oo, medyo nagtataka at naaalibadbaran na ako pero nakakapagpigil pa rin naman ako. eh, kung ikaw ba naman e ang aga-aga mong gumising para mauna sa pila, tapos pag oras na ng pagpasok sa loob ng silid-aralan e mangunguna pa sayo yung mga kadarating lang! GRRRR!
ewan ko kung naawa ba ang dyos sa akin, pero kami ng aking matalik na kaibigan na si *eherm* michelle, ay nakapasok. pagdating naming dalawa sa loob, may nakita kaagad kaming dalawang upuan. para bang inilaan talaga ng pagkakataon na makapagsulit kami kaagad... pagtapat namin sa upuan, may isang babaeng tumawag ng pansin ni michelle.
"ah miss, may nakaupo na diyan." (sabay kaway pa sa isang kapapasok lang na babae, na parang iniimbitahan nyang umupo kaagad sa dapat ay upuan namin.)
parang nagpanting ang tainga ko sa narinig. sa isip-isip ko, "ows, talaga? kami kasi wala kaming nakikitang nakaupo e. baka ikaw may imaginary friend ka dyan, sabihin mo lang. ay, o nga pala, tangina mo.
pagkatapos ng malasanto kong komento, ay inakay ko na si mich palabas. sabi ko nga sa kanya, maganda ang araw ko, at ayokong mag-bitch sa harap ng mga tao. mahinahon pa ako nun ha.
pasalamat ang mga hindi kagandahang babae na yun. hayup na mga baklang nilupak na yun! pasalamat talaga sila at nakapageksamin kami... kunde... matris lang nila ang walang latay.
hmp.

2 Comments:
Deliciously venomous, haha...pati si Syngman Rhee maiihi sa salawal nya.
ahahaay lola. Gusto ko na nga sanang dunggulin yung babae eh. Kaso ewan ko kung bakit ako nag-atubuli. Panira talaga ng umaga. Sana bumagsak yon. Tang na nila. Mga mandurugas!
Easy lang lola. Mas magaganda pa rin naman tayo sa kanila. Grabeh ka, natatawa talaga ako sa mga pasabog mong salita sa mga ganyan!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home